7 miyembro ng NPA, sumurender
- BULGAR
- Aug 29, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 29, 2023
MASBATE -- Pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Uson sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang pitong sumukong komunista na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alaman na isinuko rin ng mga komunistang NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa mga sumurender na miyembro ng mga rebelde, nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista.



Comments