top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

7 komunistang NPA, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 15, 2021



TARLAC—Pitong miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa headquarters ng Philippine Army (PA) sa San Jose.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga komunistang sumuko sa 3rd Mechanized Infantry Battalion ng PA sa naturang lalawigan.


Nabatid na isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas at mga subersibong dokumento.


Ayon sa sumukong NPA, nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan.


Napag-alamang nakatanggap ng kabuuang P405,000 financial assistance mula sa pondo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program ang mga sumukong NPA

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page