top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

7 komunista, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 9, 2021


MASBATE--Pitong miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Bacolod, Milagros.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA.


Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga komunista ang dala nilang mga armas at subersibong dokumento.


Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.


Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page