top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

7 kelot, timbog sa gun ban

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 01, 2023


ILOILO -- Pitong lalaki na lumabag sa Comelec gun ban ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng mga baril sa iba't ibang barangay sa Iloilo City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad kung bakit may dala silang mga baril sa kabila na may ipinatutupad na gun ban ang Comelec.


Ayon sa ulat, nadakip ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya ang mga suspek sa iba’t ibang lugar sa lungsod.


Nang hanapan ng dokumento mula sa Comelec tungkol sa dala nilang mga baril ay walang naipakita kaya inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comelec gun ban at illegal possession of firearms and ammunitions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page