top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

7 huli sa bagong sugal na 'Bateng-Bateng'

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 18, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 18, 2021



ILOCOS SUR—Pitong sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong naglalaro ng bagong sugal na "Bateng-Bateng" kamakalawa sa Bgy. Salincub, Santiago.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may nagsusugal sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at inaresto ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ngayon ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa ptiong sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page