7 BIFF sumurender
@Balitang Probinsiya | March 19, 2023
MAGUINDANAO DEL SUR—Pitong na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Datu Piang sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang mga dala nilang mga armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong BIFF members na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa ngayon sa taktikal na interogasyon ang limang sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments