top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

7 bebot, timbog sa mahjong at tong-its

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 10, 2021



CAPIZ—Pitong babaeng sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng mahjong at “tong-its” kamakalawa sa Bgy. Culasi, Roxas City.


Kinilala ang mga suspek na sina Rosalie Rubio, Marlyn Molino, Elvira Candelario, Ailyn Erandio, Viviana Dequito, Ma. Riza Escoban, at Michelle Rosin, pawang residente sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may kababaihang nagsusugal ng mahjong at “tong-its” sa naturang barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya at inaresto ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga mahjong paraphernalia, mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page