62-anyos na tulak, tiklo
@Balitang Probinsiya | March 12, 2023
QUEZON—Isang 62-anyos na lolong drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ilog, Infanta sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Nolito Cuerdo, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, na may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Cuerdo kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments