top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

61 curfew violators, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 6, 2021



AKLAN—Animnapu’t isang curfew violators aang dinakip ng pulisya kamakalawa sa iba’t ibang barangay sa Boracay Island.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek na pawang residente sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, habang nagpapatrulya ang pulisya ay nakita nila ang mga suspek na naglalakad at gumagala pa kahit oras na ng curfew.


Dahil dito, inaresto ng pulisya ang mga suspek at sa mga nahuli, ang 36 dito ay residente ng Bgy.


Balabag, 13 sa Bgy. Manoc-Manoc at 12 sa Bgy. Yapak, pawang sa Boracay Island.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa ordinansang curfew sa nasabing lalawigan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page