6 tiklo sa drug den
@Balitang Probinsiya | April 10, 2023
PALAWAN—Anim na drug addict ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Poblacion 1, Coron sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Paul Gajilde, Marialyn Cuaton, Atoyco Martinez, Mico Escaran, Ken Alolod at Dave Batiancilla, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lalawigan.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang naturang bahay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga durugista.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments