6 stall ng mall, nasunog
- BULGAR
- Aug 15, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 15, 2023
CAMARINES SUR -- Anim na stalls sa isang mall ang nasunog kamakalawa sa Abella St., Naga City sa lalawigang ito.
Ang nasunog na mga stalls ay nasa loob ng Naga City People’s Mall sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa isang stall at mabilis na kumalat ang apoy kaya tinupok ang lima pang stalls.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay nabatid na faulty wiring ang naging sanhi ng sunog.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.



Comments