6 patay sa pagsalakay sa refugee camp
- BULGAR

- Mar 9, 2023
- 1 min read
ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 9, 2023

PALESTINE — Anim ang patay at 10 ang sugatan sa pagsalakay ng Israeli army sa siyudad ng Jenin, Palestine.
Ayon sa awtoridad, hapon ng Martes nang nagsimula ang sunud-sunod na putukan ng baril sa refugee camp matapos magsagawa ng operasyon ang Israel Defense Forces (IDF) upang hanapin ang Palestinian gunman na pinaghihinalaang pumatay sa magkapatid na Israeli habang nagmamaneho sa bayan ng Huwara noong nakaraang linggo.
Nagdulot ng sigalot sa mga residente ang atake, higit-kumulang 400 katao ang lumusob sa Huwara at naminsala ng mga imprastraktura.
Itinuturing bilang pinakamalalang settler violence laban sa Palestinians ang nasabing insidente.








Comments