top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

6 miyembrong BIFF sumuko

BULGAR
Dec 16, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 16, 2022


MAGUINDANAO DEL NORTE—Anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Upi.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong miyembro ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang mga dala nilang mga armas at pampasabog.


Sinabi ng mga sumukong BIFF members na nais na nilang magbagong-buhay, kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.


Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang anim na sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page