6 mangingisda, tiklo sa illegal fishing
- BULGAR
- Aug 20, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 20, 2023
PALAWAN -- Anim na mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng bayan ng Narra sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang mga naarestong suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil ipinagbabawal sa nasabing karagatan ang mangisda.
Hindi naman nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.
Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa illegal fishing.



Comments