6 magbabakasyon sa Boracay, huli sa pekeng RT-PCR
- BULGAR

- Jan 24, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 24, 2021
AKLAN—Anim na bakasyunista ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa dahil sa paggamit ng pekeng RT-PCR (Polymerase Chain Reaction) test results sa Boracay Island.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.
Napag-alamang sa pagsusuri ng mga awtoridad ay nabisto ng mga ito na peke ang mga RT-PCR test results ng mga suspek na magbabakasyon sa Boracay Island.
Nang makumpirmang peke, agad dinakip ng pulisya ang mga suspek.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong Falsification by Private Individual and Use of Falsified Documents laban sa mga suspek.



Comments