top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

6 komunistang NPA, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 15, 2023


BUTUAN CITY -- Anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Del Pilar sa lungsod na ito.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang anim na sumukong komunista na nag-o-operate sa Surigao del Sur.


Napag-alaman na isinurender din ng mga komunistang NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Ayon sa mga sumukong miyembro ng NPA, nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page