@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 6, 2024
BATANGAS -- Anim na klasrum ng isang eskwelahan ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Javier St., San Juan sa lalawigang ito.
Ang nasunog ay ang Batangas Eastern Colleges sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa isang klasrum ng eskwelahan at mabilis na kumalat ang apoy, kaya natupok din ang limang silid-aralan sa nasabing iskul.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad ay nabatid na faulty wiring ang naging sanhi ng sunog.
Wala namang iniulat na nadisgrasya matapos ang insidente.
Comments