top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

6 babaeng sugarol, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 13, 2021



PAMPANGA—Anim na babae ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng “quhao” card game kamakalawa sa Bgy. Ninoy Aquino, Angeles City.


Kinilala ang mga suspek na sina Desiree Fainsan, Lourdes Palo, Arminda Mallari, Eliza Elperez, Remedios Dayrit at Marjory Abuid, pawang nasa hustong edad at mga residente sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may kababaihang nagsusugal ng “quhao” sa naturang barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya at inaresto ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page