top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

6 arestado sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
May 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 19, 2023


ILOILO—Anim katao, kabilang ang mag-amang notoryus na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa isang drug den sa Jaro District, Iloilo City sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mga suspek habang iniimbestigahan ng mga operatiba.


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay, kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 58 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page