top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

54-anyos natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 16, 2023



CAMARINES SUR—Isang 54-anyos na matandang binata ang natagpuang patay kamakalawa sa baybaying dagat ng Bgy. San Antonio, Siruma sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ricky Sarmiento, nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa baybaying dagat sa nasabing barangay.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, ay huli umanong nakitang buhay si Sarmiento na lasing at nakasakay sa maliit na bangka.


Dahil dito,ayon sa pulisya ay posible umanong nahulog sa dagat ang biktima kaya ito ay nalunod at namatay.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page