5 tulak, timbog sa drug den
@Balitang Probinsiya | July 12, 2023
NEGROS OCCIDENTAL – Kulong ang limang drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Tangub, Bacolod City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments