top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

5 tulak, nasakote sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 9, 2024

CAVITE -- Limang drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa isang drug den sa Brgy. Nicolas 1, Bacoor City sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga otoridad. 


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 12 gramo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page