top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

5 tulak, arestado sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 2, 2023


ILOILO—Limang drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Poblacion Ilaya, Passi City sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Edmundo Bugna, Anthony Joco, Peigen Agustar, Mariette Villawala, pawang nasa hustong gulang, at isang menor-de-edad na itinago sa alyas na "Mike", pawang mga residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page