top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

5 tulak arestado sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 12, 2023


NUEVA ECIJA – Limang drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Daang-Sarile, Cabanatuan City sa lalawigang ito.


Itinago muna ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga alyas na "Owe," "Tinoy," "Muning," "Angel" at "Nene," pawang nakatira sa nabanggit na lungsod.


Nabatid na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 28 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page