5 tulak, arestado
@Balitang Probinsiya | April 20, 2023
ILOILO—Limang drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Buhang, Jaro District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Joseph Antiquena, Wilson Tuvilla, Vladimer Tuvilla, Zherden dela Cruz, at Arman Obeso, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Napag-alaman na nadakip ang mga suspek sa buy-bust operation sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na gramo ng shabu at markadong pera mula sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila at sa ngayon ay sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments