top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

5 tiklo sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
May 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 30, 2023


ILOILO—Limang drug addict ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy, Desamparados, Jaro District, Iloilo City sa lalawigang ito.


Kinilala ang mga suspek na sina Romer Castor, Jenbert Berol, Felix Sabandal, David Mahusay at Jun Ong, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug addict na nahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong sachets ng shabu at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.


Nahahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page