5 teroristang katutubo, sumuko

@Balitang Probinsiya | October 30, 2020
ISABELA—Limang teroristang katutubo na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Gamu.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong katutubong NPA.
Nabatid na isinuko rin ng mga teroristang katutubo ang mga dala nilang iba’t ibang uri ng armas, mga bala at subersibong dokumento sa 5th Infantry Division ng Philippine Army (PA) na nakabase sa lalawigan.
Nagpasya umanong magbalik-loob sa pamahalaan ang mga katutubong NPA dahil nais na nilang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay sa piling ng kanilang pamilya.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong katutubong NPA para matiyak na bukal sa loob nila ang pagbabalik-loob sa gobyerno.



Comments