top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

5 teroristang ASG, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2021


SULU—Limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Indanan.


Kinilala ang mga sumuko na sina Bensar Majan, Romil Paraja, Yashir Jamalul, Kimrasil Imnaji at Roger Kahan, pawang miyembro ng ASG na nag-o-operate sa lalawigan.


Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga ASG members ang dala nilang mga armas at pampasabog.


Sinabi ng mga sumukong terorista na nagsawa na sila sa matagal na pakikipaglaban sa pamahalaan kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.


Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong ASGmembers upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page