5 terorista, sumurender
- BULGAR
- Feb 24, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 24, 2023
SULTAN KUDARAT—Limang miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Isulan sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang mga dala nilang mga armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong BIFF members na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa ngayon sa taktikal na interogasyon ang limang sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa pamahalaan.



Comments