5 sugatan sa ambulansiya vs. trak

@Balitang Probinsiya | January 14, 2021
ISABELA—Limang katao ang sugatan nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang ambulansiya sa likurang bahagi ng trak kamakalawa sa Bgy. Raniag, Ramon.
Sa mga biktima ay tanging ang driver lang ng ambulansiya ang nakilala sa pangalang Alan Bartolome, resdente ng Bagabag, Nueva Vizcaya.
Ayon sa ulat, bigla umanong nagpreno ang trak na minamaneho ng hindi pa nakilalang driver kaya bumangga sa likod nito ang ambulansiyang kinalululanan ng limang biktima.
Sa kasalukuyan ay ginagamot na ang mga biktima sa ospital.
Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury and damage to property ang driver ng trak.



Comments