top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

5 sugarol, timbog sa pusoy

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 30, 2021


CAPIZ—Limang sugarol ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng pusoy-uno kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pres. Roxas.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek na pawang nakatira sa nabanggit na barangay habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, nang malaman ng pulisya na may nagsusugal sa nasabing barangay ay agad nila itong sinalakay at dito nadakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa limang sugarol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page