5 stall tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | Enero 7, 2024
CAPIZ -- Limang stall ang tinupok ng apoy nang masunog ang isang establisimyento kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Tabuc sa lalawigang ito.
Hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang nasunog na establisimyento sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa isang stall at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang apat pang stall.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang stall.



Comments