top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

5 sabungero, tiklo sa tupada

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 13, 2021



BATANGAS—Limang sabungero ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Sto. Cristo, San Jose.


Nakilala ang mga suspek na sina Joseph Villacastin, Virgilio Hernandez, Romero Carandang, Ponciano Rodriguez at Noli Perez, pawang nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihan nagsusugal sa tupada sa nasabing barangay kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga sabungero.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page