top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

5 sabungero, nasakote sa tupada

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 22, 2020



BATANGAS—Limang sabungero ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Poblacion 1, Talisay.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihan nagsusugal ng tupada sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad at dinakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page