top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

5 Sabungero, huli sa ilegal na sabong

  • BULGAR
  • Jan 18, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 18, 2023


PALAWAN—Limang sabungero ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa illegal na sabungan kamakalawa sa Bgy. Sicsican, Puerto Princesa City.


Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar, kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang limang suspek, samantalang mabilis na nakatakas ang iba pang sabungero.

Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng illegal na sabong.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 1602 o illegal gambling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page