5 pasahero, sugatan sa bumaligtad na jeep
@Balitang Probinsiya | May 7, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Nasa 15 pasahero ang sugatan nang aksidenteng bumaligtad ang kinalululanan nilang pampasaherong jeep, kamakalawa sa Bgy. Hilamonan, Kabankalan City sa lalawigang ito.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng 15 pasahero ng jeep.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng jeep si Zaldy Bendita, 37, habang nakalulan dito ang 15 niyang pasahero kaya bumaligtad ang naturang sasakyan.
Agad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naganap na insidente habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury laban kay Bendita.



Comments