top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

5 nangholdap ng Indian National, tiklo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 1, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 1, 2023


ILOILO -- Limang holdaper ang inaresto ng mga awtoridad matapos na holdapin ang isang Indian national kamakalawa sa Barotac Nuevo sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, nagtungo sa himpilan ng pulisya si Gucharan Bhathal, Indian national, nasa hustong gulang at ini-report na hinoldap siya ng mga suspek at tinangay ang kanyang cash at cellphones.


Dahi dito, agad nagsagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad kaya nadakip ang mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong robbery.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page