5 miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko

@Balitang Probinsiya | October 29, 2020
SULU—Limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nais magbagong-buhay ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Omar.
Ang mga sumukong terorista ay sina Abduka Isa, Jovin Julkanain, Paud Suma, Kadapi Sabirin at Munil Mujakil, pawang ASG members na nakabase sa lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang iba’t ibang uri ng armas, mga bala at pampasabog sa Philippine Marines (PM) na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nagpasya umanong magbalik-loob sa pamahalaan ang mga terorista dahil nais na nilang magbagong-buhay.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong ASG members para matiyak na bukal sa loob nila ang pagbabalik-loob sa gobyerno.



Comments