5 mangingisda, timbog sa illegal fishing

@Balitang Probinsiya | January 29, 2021
CAPIZ—Limang mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad sa pagsasagawa ng illegal fishing sa karagatang sakop ng Bgy. Balaring, Ivisan.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek na pawang residente ng Bgy. Culasi sa nasabing bayan habang isinasailalim pa sila sa masusing imbestigasyon.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil sa paggamit ng maninipis na lambat na ipinagbabawal sa panghuhuli ng isda sa nasabing karagatan.
Kusa namang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10654 o illegal fishing.



Comments