top of page

5 mag-uutol na tulak, timbog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 31, 2023


ILOILO -- Limang magkakapatid na drug pusher ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng hinihinalang shabu kamakalawa sa Bgy. Zamora-Meliiza, City Proper District, Iloilo City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joven, Jessie, Joebert, Jobel at Jamer, pawang may apelyidong Billiones, mga nasa hustong gulang, mga residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nasabing barangay.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 60 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page