top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

5 kelot, timbog sa Illegal Quarrying

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 22, 2021


LA UNION—Limang lalaki ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsasagawa ng illegal quarrying sa ilog na sakop ng bayan ng Tubao.


Kinilala ang mga suspek na sina Rolly Salvatierra, Irzo Mapalo, Lito Orencia, Michael Orencia at Sammy Laconsay, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.


Nabatid na nahuli sa akto ang mga suspek na nagsasagawa ng paghahakot ng buhangin gamit ang backhoe at dump truck sa Aringay River sa naturang bayan.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa mga kaukulang kaso.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page