top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

5 Katao sugatan sa aksidente

BULGAR
Dec 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 28, 2022


PALAWAN—Limang katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. San Nicolas, Roxas.


Ang mga biktima ay nakilala na sina Alfredo Lanera, Judy Castillo, Isidro Formentera, Joan Fernandez, pawang nasa hustong gulang at 10-buwang sanggol, pawang nakatira sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklo na minamaneho ni Lanera habang angkas si Castillo, at ang motorsiklo na minamaneho ni Formentera, habang angkas si Fernandez at ang sanggol, kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, samantalang inaalam na ng mga awtoridad kung sino kina Lanera at Formantera ang may pananagutan sa aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page