5 durugista, timbog sa pot session
- BULGAR
- Jun 10, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 10, 2023
Davao del sur -- Limang drug addict na nagsasagawa ng pot-session ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Poblacion Uno, Bansalan sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na gumagamit ng shabu ang mga suspek sa loob ng isang bahay ng isa sa mga suspek kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang apat na suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng shabu at mga drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.



Comments