5 drug dealers, arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | March 14, 2021
TARLAC—Limang drug dealer ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Sto. Domingo 1st, Capas.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Romulo La, Nasruden Masulot, Fahad Kasan, Virgilio Gutierrez at Corazon Sayadi, pawang nakatira sa Taguig City.
Napag-alamang nadakip limang suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 500 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments