top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

5 biktima ng human trafficking, nailigtas

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 10, 2023

TAWI-TAWI -- Limang biktima ng human trafficking ang nailigtas ng mga otoridad kamakalawa habang lulan ng isang bangka na nakadaong sa piyer na sakop ng Brgy. Poblacion, Bongao sa lalawigang ito.

 

Hindi na pinangalanan ng pulisya ang limang biktima ng human trafficking.

 

Ayon sa ulat, nakita ng mga otoridad ang mga biktima na nakasakay sa isang bangka at nang tanungin kung saan sila pupunta ay sinabi ng mga ito na magtatrabaho sila sa Malaysia.

 

Nang hanapan ng mga dokumento ay walang maipakita ang mga biktima at sinabing may sasalubong umano sa kanila sa Malaysia.

 

Dahi dito ay hindi na pinayagan ng mga otoridad ang mga biktima na umalis at sa ngayon ay tinutugis na ng mga operatiba ang mga human trafficker na nambiktima sa mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page