5 bahay natupok
@Balitang Probinsiya | Pebrero 16, 2023
PALAWAN—Limang bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Ang mga nasunog ay ang mga tahanan ng tatlong magkakapitbahay sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na nag-umpisa ang sunog sa isang bahay at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay nasunog ang apat pang kabahayan sa naturang lugar.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa tatlong tahanan sa nabanggit na barangay.



Comments