5 bahay, nasunog
@Balitang Probinsiya | May 17, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Limang bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog, kamakalawa sa Bgy. Handumanan, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang sunog ay nagmula sa tahanan ng pamilya Belano.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Belano at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang apat pang kabahayan sa naturang lugar.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa insidente.
Inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa limang tahanan sa nabanggit na barangay.



Comments