top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

5 babaeng shoplifter, kulong

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 29, 2023


CAMARINES SUR — Limang babaeng shoplifter ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa labas ng isang shopping center sa Diversion Road, Naga City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, itinago ng suspek sa loob ng mga dala nilang bag ang mga ninakaw nilang paninda sa shopping center.


Nang makita ng mga kawani ng shopping center ang kinulimbat ng mga suspek ay agad itong ini-report sa pulisya kaya nadakip ang limang shoplifter sa labas ng nasabing establisimyento.


Nabatid na sinampahan na ng pulisya ng kasong qualified theft ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page