top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

40 mangingisda, timbog sa illegal fishing

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 21, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 21, 2023



ILOILO – Nasa 40 mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Gigantes Island sa Bgy. Asluman, Carles sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ang mga nahuling mangingisda habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga mangingisda na sakay sa dalawang fishing vessel dahil ipinagbabawal ang pangingisda sa nasabing karagatan.


Hindi naman nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.


Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na sila kasong paglabag sa illegal fishing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page