40-anyos, nagba-basketball, inatake, dedbol
@Balitang Probinsiya | July 21, 2023
AKLAN — Isang 40-anyos na laborer na nagba-basketball ang inatake sa puso at namatay kamakalawa sa Bgy. Tinigaw, Kalibo sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanyang pamilya, hindi na pinangalanan ang biktima na residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, pagkagaling umano sa trabaho ay naglaro ng basketball ang biktima sa naturang barangay.
Nabatid na matapos mag-rebound ay biglang natumba ang biktima at nawalan ng ulirat kaya agad itong dinala ng kanyang mga kalaro sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Napag-alaman sa medico-legal na atake sa puso ang ikinamatay ng biktima.



Comments